Nakakalula ang mga halagang involved sa mga scams ng ating mga sangkot na opisyales ng gobyerno. With Bolante now, 728 milyon ang di maunawaan at di pa rin mapiga kung sino sinong proponents ang sangkot except sa tatlong pinangalanan. Akalain ba nating napalobo itong dapat ay 28M lang na naging super taas na 728M. At nakakaloka rin na bilang facilitator ng pondo ay wala siyang masabi kung kani-kanino ito napunta, under oath yan ha. At maniniwala ba tayong di niya alam ang may kinalaman upang maibigay sa kanya ang post niya bilang Usec ng DA. Kakaiba di ba? Kahit isang ordinaryong mamamayan, di kayang tanggapin at paniwalaan ang mga sinasabi nito. Nalalagay tuloy siya sa isang nakakatawang sitwasyon sa paggisa ng Senate Blue Ribbon gaya ni Sen. Jinggoy, Sen. Defensor...at iba pa. Lumabas sa paggisa ni Sen. Defensor na mahigit kumulang na 182M ang napunta sa bulsa ni Bolante bilang kaparte nito sa nasabing agri-funds. Lumabas pang hindi naman pala ito ukol para sa rice and corn kundi pataba ng mga ornamentral plants gaya ng orchids. Na bukod sa overpricing ay hinaluan pa ito ng tubig. Grabe ha...lumaki ako at namulat sa pagpapatanim ng aking ama sa kanilang bukirin noon. At nakita ko kung paano isinasabog ang pataba sa bukid na halos di pa ito namumunga. Eh ng irelease daw yung fertilizer ay anihan na. At ang nakakapagtaka nga rin na ng maisiwalat na nirelease itong pondong ito ng gabi bago ang 2004 election. Hay naku...abangan ang pagkanta niya. Unang araw pa lang yan...malamang bumigay din si Bolante sa susunod pang gisahan.
PS/ Kaya naman pala wala kaming mabiling bigas na mura na ay maganda pa di gaya dati na kung bumili ako ay isa o dalawang kaban, na nagkakahalaga lang ng P1000-P1200. Ngayon nagtitiis na lang tayo sa mga pakilo kilong tingi o ang pagpila sa NFA.
Isipin na lang natin ang naging kabahagi ng mga senior citizen na wala ng kakayahan na maghanap buhay. Nabigyan ito galing sa parte ng VAT sa halagang P500 bawa't matanda pero hindi ang may pension sa GSIS at SSS. Limang daan lang hindi pa nabigyan yung iba, samantalang di maipaliwanag ang nawawalang 728 na milyones. Napakalayo ng agwat di ba?
No comments:
Post a Comment