Sunday, November 23, 2008
Kay agang pasko sa Nobyembre!
Wow naman, tama nga narinig ko sa isang sports commentator over DZBB. Na namahagi si Pacman ng 500 turkey sa mga kababayan nating pinoy sa Silverlake, sa LA. Ito po yung town na kung saan ay maraming pinoy na naninirahan. Ang galing naman. Ang turkey ay siyang nakaugaliang ihain tuwing Thanksgiving Day. Katumbas ito ng 4 na manok sa laki nito. And mind you puro po ang laman ng turkey. Minsang namamasyal kami sa Universal Studio Japan noong nakaraang pasko (2007), nakakita ako ng mga may dalang drumstick at pinapapak nila habang nasa pamamasyal, nakipila po kami dahil natakam ako sa kanila at ng makabili na kami eh...isang kagat lang at itinago ko na siya. Grabe nakakabusog talaga sa laki. Takaw mata ika nga. Akala ko hita ng manok...hita pala yun ng turkey. At napakasarap naman talaga.
Iba na talaga ang level ng buhay ni Pacman ngayon...certified mayaman na talaga siya. At mahiya ang iba diyan dahil lahat ng yaman ni Pacman ay nagdadaan sa dugo at pawis niya. Kung saan bugbog na umaatikabo ang inaabot niya...pinaghirapan talaga. Ika nga when it rains, it falls para sa kanya. Walang habas ang kanyang pagyaman. At sa magandang paraan di gaya ng ibang kung saan saan kinukuha.
Di maitatangging umuukit si Pacman ng sarili niyang lugar sa history ng Pilipinas. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging ganap na mahusay na boksingero...isang Pinoy ang umaagaw ng pansin sa pandaigdig na larangan ng boksing. Tagisan ng tibay ng katawan at lakas ng kamao sa ibabaw ng ring ika nga.
Dasal ng lahat ng Pinoy, na manalo ulit si Pacman laban kay de la Hoya. Sana nga!
See this video!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment