Friday, October 23, 2009
As we grow older...
Nung bata bata pa ako...akala ko lahat ng gawin ko, yun na ang tama at dapat. Mapusoksa pagdedesisyon, mabilisanat karaniwan ay kulang sa pag-iisip ng makakabuti at makakasama. Matapang, at palusob lage. Pero ngayon parang naiba ang ihip ng hangin...ika nga...pinag-iisipan ang bawa't hakbang at nililimi ang kahihinatnan. Kung noon ay matapang, at palusob, ngayon ay kinukuha lahat sa diplomasya at katwiran. Minsan akala natin tayo na ang tama, pero naisip ba nating pakingggan ang kabilang panig upang maging daan ngpagkakaintindihan? Kung sana lahat ay mapag-uusapan at maiaayos. Yun nga ang tama, pero hindi pwedeng isa-alang alang ang kung ano ang tama at marapat. Minsang pagkakasilat sa maling desisyon ay pwedeng itama sa susunod. Pero ang magpailalim sa mali ay walang kapatawaran.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment