Friday, October 10, 2008

Ano ba yan?!

Hay naku, ano ba yan? Hindi pa nga natatapos ang melamine issue ng China, eto na naman at may cadmium issue na naman silang dapat panagutan dahil positibo ngang naeksamin ang ilang de latang angkat galing sa kanila. Ano kayang nararamdaman ng mga matataas na pinuno ng kanilang bansang nalalagay sa ganitong mabigat na kahihiyan. Ang cadmium ay isang uri ng metal na maituturing carcinogen o nabibilang sa toxic materials na nagiging dahilan upang magkaroon ng kanser ang isang tao.
Ano naman kaya ang stand ng mga malalaking importers na namuhunan ng milyon milyon para sa mga produktong nasabi? Paano sila makakabawi dito? Ngayon na dinispatsa lahat ng mga may katungkulan ang mga nasabing produkto na lumabas na positibo sa mga nakakalasong kemikal? Malamang problemado sila sa biglaang pagkalugi dahil dito.
Ang nakakatuwa ay ang biglaang pagiging aktibo ng DOH at ang mga taga-suri nito. Ano naman ang masasabi ng BFAD?
Parang kung lilimiin natin ay tila lagi na lang tayong nasa balag ng alanganin. Pati ba naman ang mga pagkain ay maisipang lagyan ng mga lasong kemikal? Ano ang pananagutan na kailangan nilang harapin dahil dito? Sapat na ba ang paghingi ng kaukulang dispensa o public apology? Di ba dapat ay iharap sila sa korte upang panagutan ang karampatang parusa?Meron bang commitee na nagsasampa ng kaso laban sa kanila?

No comments: