Sunday, November 23, 2008

Kay agang pasko sa Nobyembre!


Wow naman, tama nga narinig ko sa isang sports commentator over DZBB. Na namahagi si Pacman ng 500 turkey sa mga kababayan nating pinoy sa Silverlake, sa LA. Ito po yung town na kung saan ay maraming pinoy na naninirahan. Ang galing naman. Ang turkey ay siyang nakaugaliang ihain tuwing Thanksgiving Day. Katumbas ito ng 4 na manok sa laki nito. And mind you puro po ang laman ng turkey. Minsang namamasyal kami sa Universal Studio Japan noong nakaraang pasko (2007), nakakita ako ng mga may dalang drumstick at pinapapak nila habang nasa pamamasyal, nakipila po kami dahil natakam ako sa kanila at ng makabili na kami eh...isang kagat lang at itinago ko na siya. Grabe nakakabusog talaga sa laki. Takaw mata ika nga. Akala ko hita ng manok...hita pala yun ng turkey. At napakasarap naman talaga.
Iba na talaga ang level ng buhay ni Pacman ngayon...certified mayaman na talaga siya. At mahiya ang iba diyan dahil lahat ng yaman ni Pacman ay nagdadaan sa dugo at pawis niya. Kung saan bugbog na umaatikabo ang inaabot niya...pinaghirapan talaga. Ika nga when it rains, it falls para sa kanya. Walang habas ang kanyang pagyaman. At sa magandang paraan di gaya ng ibang kung saan saan kinukuha.
Di maitatangging umuukit si Pacman ng sarili niyang lugar sa history ng Pilipinas. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging ganap na mahusay na boksingero...isang Pinoy ang umaagaw ng pansin sa pandaigdig na larangan ng boksing. Tagisan ng tibay ng katawan at lakas ng kamao sa ibabaw ng ring ika nga.
Dasal ng lahat ng Pinoy, na manalo ulit si Pacman laban kay de la Hoya. Sana nga!

See this video!

Friday, November 21, 2008

Bawal magkasakit!



Ang hirap pag ang nanay sa bahay ang may sakit. Sad ang mga bata...or even anyone for that matter. Mahirap talaga pag maysakit. Really we can say that health is wealth. Halos 3 araw na akong idler...flat lang sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko...ang hapdi ng mga mata na halos di ko na maimulat. Talagang tatayo at tatayo ka kahit hilo hilo ka pa. Ayokong ma-sidelined ng ganun ganun lang. Gusto ko laging may ginagawa. Kaya eto, medyo nakaramdam lang ako ng konting ginhawa eh, naupo agad ako dito upang mag-update pero tila sumosobra na naman ako...kaya kailangan ko na naman tigilan ito or else bumalik ang pananakit ng ulo ko. Still woozy pa naman ako eto napapasarap na naman magblog. Kaya after this eh mukhang magsa-sign off na muna ako.

Sunday, November 16, 2008

Disembarkation procedure


Napakingggan ko ang hearing ng Senado sa paggisa kay Director de la Paz...at cool na cool naman si Sen. Loren Logarda sa pagtatanong kung alam niya ang tungkol sa departure and arrival procedure. At sa pangalawang tanong ay humirit ito ng "I want to invoke my privilege to self-incrimination."
Eh kahit naman sinong ordinaryong mamamayan na nakaalis na ng bansa ay alam na may ibinibigay sa bawa't pasahero na disembarkation card kung saan ay dapat mong ideklara ang perang daladala mo lalo na't lalagpas ito ng $10,000. Hindi kaya nila naisip na sa laki ng perang dala nila ay makukwestyon sila talaga? Nakakaloka di ba? May nabanggit pang mamahaling relo na worth 45,000 euro...na 3M sa pera natin...aba eh isang magandang bahay na ito ah?! Naku kung bagoong nga ipakisuyo sa akin eh ayoko noh? Bawal nga pero may nakakalusot pa rin. Saka sa ngayon napakahirap ng makisuyo ng padala, or pabili, mamaya ito pa dahilan ng pagka-hold ko eh mahirap na.
Sana maging aral ito sa mga nasa posisyon kasi kahihiyan ang kapalit nito. Yung bang alam mong may authority ka tapos masasalang ka sa kahihiyan. Kaya sana maging maingat sila o manindigan sila sa kanilang sinumpaang tungkulin para di nila abutin ang ganoong kahihiyan.
Pero di pa naman sila napapatunayang guilty dahil tumatakbo pa ang hearing...kaya let's give them the benefit of the doubt.

Thursday, November 13, 2008

Masaganang ani sana...

Nakakalula ang mga halagang involved sa mga scams ng ating mga sangkot na opisyales ng gobyerno. With Bolante now, 728 milyon ang di maunawaan at di pa rin mapiga kung sino sinong proponents ang sangkot except sa tatlong pinangalanan. Akalain ba nating napalobo itong dapat ay 28M lang na naging super taas na 728M. At nakakaloka rin na bilang facilitator ng pondo ay wala siyang masabi kung kani-kanino ito napunta, under oath yan ha. At maniniwala ba tayong di niya alam ang may kinalaman upang maibigay sa kanya ang post niya bilang Usec ng DA. Kakaiba di ba? Kahit isang ordinaryong mamamayan, di kayang tanggapin at paniwalaan ang mga sinasabi nito. Nalalagay tuloy siya sa isang nakakatawang sitwasyon sa paggisa ng Senate Blue Ribbon gaya ni Sen. Jinggoy, Sen. Defensor...at iba pa. Lumabas sa paggisa ni Sen. Defensor na mahigit kumulang na 182M ang napunta sa bulsa ni Bolante bilang kaparte nito sa nasabing agri-funds. Lumabas pang hindi naman pala ito ukol para sa rice and corn kundi pataba ng mga ornamentral plants gaya ng orchids. Na bukod sa overpricing ay hinaluan pa ito ng tubig. Grabe ha...lumaki ako at namulat sa pagpapatanim ng aking ama sa kanilang bukirin noon. At nakita ko kung paano isinasabog ang pataba sa bukid na halos di pa ito namumunga. Eh ng irelease daw yung fertilizer ay anihan na. At ang nakakapagtaka nga rin na ng maisiwalat na nirelease itong pondong ito ng gabi bago ang 2004 election. Hay naku...abangan ang pagkanta niya. Unang araw pa lang yan...malamang bumigay din si Bolante sa susunod pang gisahan.

PS/ Kaya naman pala wala kaming mabiling bigas na mura na ay maganda pa di gaya dati na kung bumili ako ay isa o dalawang kaban, na nagkakahalaga lang ng P1000-P1200. Ngayon nagtitiis na lang tayo sa mga pakilo kilong tingi o ang pagpila sa NFA.
Isipin na lang natin ang naging kabahagi ng mga senior citizen na wala ng kakayahan na maghanap buhay. Nabigyan ito galing sa parte ng VAT sa halagang P500 bawa't matanda pero hindi ang may pension sa GSIS at SSS. Limang daan lang hindi pa nabigyan yung iba, samantalang di maipaliwanag ang nawawalang 728 na milyones. Napakalayo ng agwat di ba?

Wednesday, November 12, 2008

It's no Joc!


Lumabas si Jocjoc sa St. Luke's Hospital eksaktong 7:08 ng umaga upang daluhan ang preliminary investigation ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa Fertilizer Fund Scam Scandal. Dumating siya ng 7:45 sa Senado, upang mabigyan ng kaukulang check up bago tumawid ng Session Hall upang humarap sa senado. Si Bolante ay matatandaang tinanggihan ng bansang Amerika sa hain nitong asylum. Bagkus ay inaresto siya doon noong dumating siya taong 2006 at nakulong halos ng 2 taon sa Kenosha Rehabilitation Center in Wisconsin. Wala siyang nagawa kungdi ang umuwi ng bansa upang sapilitang sagutin ang nawawalang 728 milyones na nakatalaga sana para sa fertilizer fund ng magsasaka. Nasaan na at sino ang mga nakinabang dito. Yan ang katanungan ngayon. Wow ang laking halaga non ha. Mapapansing napakalaki ng ipinayat niya at itinanda ng dumating siya. Halatang sumailalim siya sa matinding suliranin at halos namuti na lahat ang buhok niya compared noong siya pa ang ating dating Usec. Jocelyn Bolante. Tutukan po natin ang kasong ito at tiyak na sasambulat na naman ang mga pangunahing pangalan na maisasangkot dito.

Tuesday, November 4, 2008

Another keel over incident

May lumubog na naman, ang MB Don Dexter. Hay naku naman, hindi ba ito naiiwasan?