Wow ang galing galing naman niya...ang tinutukoy ko ay ang pilotong si Chesley B. "Sully" Sullenberger III, ng Flight 1549...na nagtamo ng mga papuri sa nagawa niyang kabayanihan upang mailigtas ang 155 na pasahero ng eroplanong nagkaroon ng engine trouble dahil sa bird strike.
Friday, January 16, 2009
Monday, January 12, 2009
A lot of very's!
Habang naghahanda ang aking anak na bunso para pumasok sa eskwela, ay bigla siyang nagwika ng..."kakaiba ang lamig ngayon ang tindi"...hayun at tila male-late pa dahil kahit matindi ang ingay ng alarm ay di makatayo sa lamig na umaatake tuwing umaga.
Kung noong araw ay hindi ako mapakali kapag nagpapaalam ang aking kasama sa bahay or househelp, ngayon na malalaki na sila ay kami kami na lang ang nagtutulong tulong sa pananatili ng kaayusan sa bahay. Ako naman ang tumatayong parang lider...lol...lider daw oh, ang tawag nga ni Tack don ay alipin, as in. Oo nga naman...lahat ay nakasalalay sa nanay. Mama ang uniform ko po? Mama ang magazine? Mama pakigawa ng excuse slip...mama ano po ang breakfast? Mama yung tuition ko po? Mama san nakalagay ang mga hankies?Mama yung pong gamot ko sa allergy ko? Mama aattend po ba kayo ng meeting? Sobrang stress yan di ba? Pero kung nanay ka rin ay mailalagay mo ang sarili mo sa kapwa nanay. Mapi-feel mo yung obligasyon mo bilang taga alalay sa mga anak mong mga lumalaki ng di mo namamalayan. Kawawa ka pag ang naitanim mo bilang isang nanay ay di kagandahan. Oo...maari yun, dahil di naman lahat ay pare-pareho ng pananaw sa mga bagay bagay. Ako, bata pa ako talagang hiniling kong magkaanak kaya naman sila ang aking 1st priority sa lahat ng bagay. Kaya naman kahit nasa kalagitnaan ako ng bakasyon ko sa ibang bansa ay daglian akong umuwi na akala mo ba ay anjan lang ako sa ibayo...lalo na't nararamdaman kong may kaibang problema sa bahay. Gusto ko lagi akong anjan lang para sa mga anak ko. Kaya mga lumaki silang malapit sa akin kahit na pagminsan ay medyo nasasabon ko rin sila kapag may nagagawang di maganda sa palagay ko. Minsan dapat din na ipapatupad ang carrot and stick rule sa bahay. Minsan din ay di ito maganda...pero minsan nagagamit ko rin ito. Hindi naman lahat ay ibibigay na lang ng ganun kadali. Dito matututo sila sa buhay na mixture talaga ito ng tuwa at saya, meron at wala...kaya dapat maging matapang at matatag...sa pagharap dito. Hay ang sakit sa ulo...kaya, dito na lang ako nakakapaglibang sa blogging. Isipin mong araw araw ay ma-stress ka sa pagaasikaso ng mga grown ups. Para sa akin kasi hanggang sa lumalaki sila ay dapat nakaalalay ka sa mga anak upang mai-veer mo sila sa tama. If not doon papasok ang problema na nakukuha sa pakikipagbarkada...natututo sa pagsubok sa drugs at early pregnancy. Ang dami pa at di mauubos ang paksa tungkol dito sa pagiging nanay. Pero kung tatanungin ako, enjoy ako sa ginagawa ko although physically and mentally draining talaga ito. Pero pag andyan na yung love ay saya naman ang kapalit lalo't lumalaking close kayo ng mga anak mo. Well...

Saturday, January 10, 2009
She deserves all the accolades...

Kaninang tanghali, sa Wowowee ay tinupad ni Willie ang pangako niya sa kabataang naging contestant kahapon...marahil ay natuwa si Willie sa kakayahan ng mga kabataang ito sa pag-awit. At ayun na...isa isa itong lumalabas habang umaawit. Maganda ang areglo nito kahit unang sabak pa lang nila sa harap ng camera. Sa may kalagitnaan ay lumabas na si Charice Pempengco. Tinupad niya ang pangako nito via phone patch ng imbitahin ito ni Willie. Napaka down to earth na bata kahit siya ay umaani na ng papuri sa ibang bansa. Napakagaling niya talagang bumirit...at di matatawaran...pero pansin ko lang talaga, ay bakit di siya nabigyan ng standing ovation kanina...nalungkot naman ako doon...wala yata akong nakitang tumayo upang saluduhan ang kakaibang kakayahan ng batang ito gayung kinikilala ito nina Celine Dion, Bocceli, Groban, and of course sina Oprah at Degeneres na nagpakita ng paghanga sa batang ito. Malaking bagay ang nagawa ng guesting appearance niya sa show ni Oprah at Degeneres, at ang pinakabago nga ay isa siya sa aawit sa inauguration ni Obama sa January 20. Swerteng bata at maswerte rin ang nanay niya. More to come your way! Hurrah!
**Maganda na sana ang mood ni Willie dahil sa katuwaan nito na napaunlakan niya ang dream ng mga batang makasama si Charice sa pag-awit at ayun medyo nainis daw si Willie sa isang guest na di kilala...dahil medyo yata "nabatukan" ito. Hindi ko man nakita...kung totoo ito eh di maganda nga naman unang una eh host ito ng show at kahit kanino man ito gawin eh napaka-pangit tingnan. Nkaka-bad trip ika nga. Naku kung sa Japan siya andon, ok lang yun. Dahil wala lang sa kanila yun. Pero dito sa atin, ke batok or tapik or hampas sa ulo...naku...ewan ko sa 'yo. Sayang nga eh, di ko nakita.
Wednesday, December 31, 2008
Wednesday, December 10, 2008
Coup de grĂ¢ce?!
Nakakahabag naman ang nangyari sa mag-amang namatay sa isang shoot out sa Paranaque kamakailan. Bukod sa namatayan ito ng asawa na nag-iwan ng isang anak...eto naman ang sinapit niya, at kasama pa niya ang anak na unang tinamaan ng bala. Isipin mong gusto niyang iligtas ang anak upang madala niya man lang sa isang pagamutan pero nasawi rin siya. Nakakuha at hawak ng isang witness na isang dati yatang vm...ang 80 basyo ng bala ng armalite na nakuha niya sa pinangyarihan ng shoot out...at kwento pa nito'y kalaro lang niya sa tong-its ito bago napatay. Hay...di ba napakalungkot naman ng kaganapang ito sa mga kamag-anak niya at kaibigan lalo na't nalalapit na ang kapaskuhan?
Looking back, gaya ito ng nangyari sa kapatid ni Jun Lozada na nawalan din ng kapatid ng mapagkamalan din ang kapatid nito sa Bacalia kidnapping...nang itip off ang isang blue car...na nagkataong dumaan ito sa vicinity lulan ang ilang kasamahan nito at isang bata...not sure kung anak niya ito. Swerte at nabuhay ang bata samantalang sa morge na nakita ni JL ang kapatid nito. Mistaken identity or whatever, nasa korte naman ang pasya nito.
PS/ Ano ba ang magandang nangyayari sa bansa natin? Kamakailan umuwi ang anak ko na malungkot dahil mismong ang kaibigan niyang si Micco ay nawalan ng cp habang naglalakad pag-aabang ng jeep pauwi sa may Sta. Lu...ganun ba kadali yung buksan mo yung bag ng may bag at nakawin ang pwedeng pagkaperahan? Nakaw nga lang ito...pero dun din sa pagpatay mauuwi ang mga lokong ito when time comes. Kasi napakadali nga naman ng pera...para sa kanila...hindi pa sila hirap kesa nga naman magbanat ng buto...eh paghahanap nga lang trabaho eh magagastusan ka pa bago ka matanggap eh. Sa snatching pa-easy easy lang sila. Hay naku pano ba naman tayo aasenso nito? Eh kung sa gobyerno nga ganito din ang nangyayari eh. Sana gaya sa US magkaroon din tayo ng change...me pag-asa pa naman...antayin natin.

Labels:
difficulty,
life,
Paranaque shoot out,
politics
Monday, December 8, 2008
Gone too soon...

A sudden shift of emotion...na habang halos maglundagan sa sobrang tuwa at pagdiriwang sa tinamong tagumpay ni Manny Pacquiao kahapon, ay bigla naman nagflash report na isinugod sa ospital si "Boknoy" pagkatapos makita itong wala ng buhay sa kanyang bahay sa Antipolo. Hindi ako iyaking tao...pero may naramdaman akong lungkot dahil bilang isang ina...napakasakit ng mawalan ng isang anak lalo na't sa ganung edad na bago pa lang humahabi ng kanyang mga pangarap sa buhay. Magkasakit nga lang mga anak ko eh taranta na ako kung paano sila gagaling. I feel for Marky's mom who is right now in agonizing pain. Naiyak ako talaga. We noticed this young man when he showed his dancing prowess noon sa Starstruck. At talaga naman makikita mo yung kabaitan niya deep inside.
Let's all say a silent prayer for Marky...
Friday, December 5, 2008
"I'm trained for Kingkong"

Whoah! Ewan ko kung totoo ngang sinabi ito ni de la Hoya. Naku ang daming nagalit na mga maka-Pacquiao...at isa na ako don...pinoy eh. Naku lagot siya...pagnagkataon, lalong sisiklab ang kamao ni Pacman kasi di naman siya kamukha ni Kingkong ha. Sa yaman ni Pacman kahit mukha niya pwedeng ipagaya ni Manny kaso mo nga mas malamang matulog siya sa suntok ni Pacman. Si Manny na lang yata magpapasigla ng Pinoy at yun eh malapit na...sa Linggo na po yon. Titigil na naman ang orasan natin...puro nakatutok na lang sa laban ni Manny!Buti pa si Manny sobrang pinaghihirapan ang kanyang milyones...yung iba naman eh, isang pirma lang at isang tawag...presto na. Yung kay Manny talagang mula sa dugo't pawis niya. Yun ang pagkakaiba niya!
Labels:
Kingkong,
Manny Pacquiao,
Oscar de la Hoya
Subscribe to:
Posts (Atom)