Friday, October 23, 2009

As we grow older...

Nung bata bata pa ako...akala ko lahat ng gawin ko, yun na ang tama at dapat.  Mapusoksa pagdedesisyon, mabilisanat karaniwan ay kulang sa pag-iisip ng makakabuti at makakasama. Matapang, at palusob lage. Pero ngayon parang naiba ang ihip ng hangin...ika nga...pinag-iisipan ang bawa't hakbang at nililimi ang kahihinatnan. Kung noon ay matapang, at palusob, ngayon ay kinukuha lahat sa diplomasya at katwiran. Minsan akala natin tayo na ang tama, pero naisip ba nating pakingggan ang kabilang panig upang maging daan ngpagkakaintindihan? Kung sana lahat ay mapag-uusapan at maiaayos. Yun nga ang tama, pero hindi pwedeng isa-alang alang ang kung ano ang tama at marapat. Minsang pagkakasilat sa maling desisyon ay pwedeng itama sa susunod. Pero ang magpailalim sa mali ay walang kapatawaran.

Friday, October 2, 2009

Thank you Lord...

Maaga akong nagising at ako'y sumilip sa bintana...at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang baha sa labas. Salamat kako sa Diyos at di natuloy ang ambang gaya ng Ondoy.
Religious Myspace Comments
MyNiceSpace.com

Thursday, October 1, 2009

Manalangin tayo...

REPOST: People are now being sent home because: 1. Typhoon Pepeng = Type 5 (same as Katrina) 2. Critical hour = 9pm 3. Winds & rains stronger than Milenyo 4. MM will be hit by tail/body unless it changes its course 5. Meralco will shut down areas tonight PLEASE REPOST & PASS.

Hindi pa halos tayo nakakaahon sa tindi ng iniwan ni Ondoy...at eto na naman daw ang isang malakas na raragasang bagyo na maituturing super-bagyo. Sana naman ay lumihis ito kung saan ay walang masasalanta. Hindi ko sukat akalaing mararanasan ko ang hagupit ni Ondoy kung saan halos nasira ang aming gamit na inanod ng baha. Nakakahinayang ngunit kung maikukumpara sa iba ay walang kahalintulad ang sa kanila. May nawalan ng mahal sa buhay...at may miserable pa kaysa aming naranasan. Nang minsang bagtasin ko ang bayan ng Cainta ay nakita ko ang iniwan ni Ondoy na kung pagsasama-samahin mo ang basurang halos tumpok tumpok sa kalsada ay iisipin mo pa kung saan ito pwedeng itambak. Nakakataba ng puso ang makikita mong pamamahagi ng tulong sa mga depress areas, nakita ko ang mga naka-deploy na mga sundalo na hindi naman po upang gamitin ang kanilang baril o sandata kundi ang magbigay ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta. May mga artistang nagsitulong at nagpasaya sa tao at mayroon din akong nakitang mga pribadong tao na namimigay ng relief goods. Taos man o hindi ang kanilang intensyon ay tulong pa rin yun sa tao. Ang importante ngayon ay ang nakukuha nilang maipanlalaman sa tiyan nilang kumakalam. Nakita ko rin ang mga van ng GMA sa Cainta Municipal Hall...marahil ay nagbigay din sila ng tulong. Sa ganitong panahon...malaki man o maliit ay nakakapagpasaya ito ng taong dumaranas ng matinding paghihirap dahil sa kanilang sinapit sa bagyong si Ondoy.
Sana ay di ganoon kalakas ang maging pagdating ni Pepeng ngayong hapon. Sama sama natin itong hilingin sa ating mga panalangin.

Wednesday, September 2, 2009

Getting older...

Hay naku...mixed emotions ako sa darating kong kaarawan. Kasi am not getting any younger, said the old cliche. Pero kung tutuusin dapat masaya ang isang may kaarawan dahil nadadagdagan ang bilang ng kanyang edad. Pero sa isang banda lalo na't may mga anak kang laging una sa isipan ng isang inang katulad ko, hindi maiaalis ang pangambang tumatanda ka na at ang pinakamalakas mong fear ay ang maiwan silang hindi pa sapat ang iyong naiuukol na pagkalinga sa kanila. Sa isang ulirang ina...hindi matatapos ang pagkalinga, pagmamahal at pagsisilbi sa kanila sa abot ng kaya niyang iparamdam lalo na't maganda ang samahan at lumaking maganda ang pundasyon ng isang pamilya. Para sa akin, ang isang ina ay laging handang gumabay at tumulong sa kanyang anak. Hindi ito nag-aantay ng kapalit...unconditional ika nga.
Sa akin, isa lang ang lagi kong dasal, ang bigyan ako ng mahaba pang buhay para naman magabayan ko pa ang aking mga anak. Mapagsilbihan habang sila'y nag-aaral at makita ang kani-kanilang tagumpay sa hinaharap. Sa ngayon at noon pa man...altho hindi naman perpekto, ay maayos ko naman silang nagagabayan and I feel proud na lumaki silang may takot sa Diyos, magalang at mapagmahal na anak. Siguro yung mga materyal na bagay ay hindi na masyadong kahalagahan kung ikukumpara sa mahusay at magandang pagpapalaki ng mga bata. So far naman eh, wala naman akong problema gaya ng pagkagumon ng isang bata sa droga or ibang suliranin sa mga kabataan. Kaya lagi kong sinasabing I feel blest!

New trail...

Naku ...kakaibang hinaharap ng ating buhay pulitika ang dapat nating abangan. Alam na nating lahat na si Sendor Mar Roxas na isa sa malakas na tatakbong pagka presidente sa taong 2010 ay nakakagulat na nagbigay ng pahayag na isinasalin niya ang isang mahalagang adhikain niya kay Noynoy Aquino upang bigyan daan ang pagsali nito sa pagtakbo ng naturang pinakamahalagang pwesto sa darating na halalan. Ito ay isang mahirap na hakbang bilang isang pulitiko. Lalo na't alam mong maraming sumusuporta sa iyo. May kinalaman kaya ang namayapang si Cory Aquino dito sa senaryong ito? Sabagay pareho silang may karapatang tumakbo lalo na't kita naman nating pareho silang may K. Parehong galing sa angkan ng mga pulitiko at may mga kanya kanyang galing. Ano kaya ang nagtulak kay Sen. Roxas sa kanyang tuwirang pagsuporta kay Noynoy at mapagkumbabang isinantabi niya ang kanyang pangsariling kapakanan bilang isa sa pinakamalakas sa susunod na eleksyon.

Monday, April 20, 2009

Whoah! Matagal tagal na palang di ko nabigyan ng pansin ang blog kong ito. Sa dami ng inaasikaso ko ngayon eh talagang imposibleng madalaw ko lahat. Pati ba naman sa blogging may favoritism? Wala. Lahat yan mahal ko dahil akin yan. Right now kasi am so busy sa pagpapagawa ng aming munting tahanan we would call home. Malapit lapit na siyang lipatan. Kaya naman pina-temporary disconnection ko ang aming SmartBro. Tiis tiis muna dito sa cafe. And for a change laging super making use of time dahil per hour ito. Kaya ngarag din ako pagpopost sa Cakes and ale ko.
At dahil kami'y lilipat sa bagong bahay kailangan na idispose ko yung mga lumang gamit namin, so napakahirap para sa akin na ibenta man or ipamigay ito. Pero dahil ako nama'y nakakaranas ng blessing sa taas, okey na rin. Mai-share ko man lang sa iba yun sa pamamagitan ng maibenta yung ibang gamit namin sa murang halaga...at least nakatulong pa ko. Ang target date ng paglipat namin siguro ay katapusan ng May, pero ngayon pa lang ay nagcacanvas na kami ng mga ilaw at ibang fixtures na gagamitin. Medyo nasanay kami sa malaking lugar pero ngayon nama'y mas maliit kesa nakaugalian pero maganda naman yun at madaling linisin. Ang number one palicy ko sa bahay, ay walang inuman...kahit noon pa. I wonder bakit may taong ang hilig hilig uminom tapos andung masuka...yuck...di ba nakakainis yon? Imagine nasa ibang bahay ka tapos don ka gagawa ng kakaiba, at don ka eeksena. If that's the case siguro okey kung nasa sarili kang bahay.
Well for now yung excitement ko paglipat ay andito na. Am looking forward na talaga...

Friday, February 6, 2009

Haaay...lol...!


Grabe si Boknoy...masaya at kaaliw, pero me kurot sa dibdib.

Pinoy eh...


Hay naku napatawa ako ng batang ito, "...lumulubog ang bahngkah!!!"

Friday, January 16, 2009

Modern hero...

Wow ang galing galing naman niya...ang tinutukoy ko ay ang pilotong si Chesley B. "Sully" Sullenberger III, ng Flight 1549...na nagtamo ng mga papuri sa nagawa niyang kabayanihan upang mailigtas ang 155 na pasahero ng eroplanong nagkaroon ng engine trouble dahil sa bird strike.

Monday, January 12, 2009

A lot of very's!

Habang naghahanda ang aking anak na bunso para pumasok sa eskwela, ay bigla siyang nagwika ng..."kakaiba ang lamig ngayon ang tindi"...hayun at tila male-late pa dahil kahit matindi ang ingay ng alarm ay di makatayo sa lamig na umaatake tuwing umaga.
Kung noong araw ay hindi ako mapakali kapag nagpapaalam ang aking kasama sa bahay or househelp, ngayon na malalaki na sila ay kami kami na lang ang nagtutulong tulong sa pananatili ng kaayusan sa bahay. Ako naman ang tumatayong parang lider...lol...lider daw oh, ang tawag nga ni Tack don ay alipin, as in. Oo nga naman...lahat ay nakasalalay sa nanay. Mama ang uniform ko po? Mama ang magazine? Mama pakigawa ng excuse slip...mama ano po ang breakfast? Mama yung tuition ko po? Mama san nakalagay ang mga hankies?Mama yung pong gamot ko sa allergy ko? Mama aattend po ba kayo ng meeting? Sobrang stress yan di ba? Pero kung nanay ka rin ay mailalagay mo ang sarili mo sa kapwa nanay. Mapi-feel mo yung obligasyon mo bilang taga alalay sa mga anak mong mga lumalaki ng di mo namamalayan. Kawawa ka pag ang naitanim mo bilang isang nanay ay di kagandahan. Oo...maari yun, dahil di naman lahat ay pare-pareho ng pananaw sa mga bagay bagay. Ako, bata pa ako talagang hiniling kong magkaanak kaya naman sila ang aking 1st priority sa lahat ng bagay. Kaya naman kahit nasa kalagitnaan ako ng bakasyon ko sa ibang bansa ay daglian akong umuwi na akala mo ba ay anjan lang ako sa ibayo...lalo na't nararamdaman kong may kaibang problema sa bahay. Gusto ko lagi akong anjan lang para sa mga anak ko. Kaya mga lumaki silang malapit sa akin kahit na pagminsan ay medyo nasasabon ko rin sila kapag may nagagawang di maganda sa palagay ko. Minsan dapat din na ipapatupad ang carrot and stick rule sa bahay. Minsan din ay di ito maganda...pero minsan nagagamit ko rin ito. Hindi naman lahat ay ibibigay na lang ng ganun kadali. Dito matututo sila sa buhay na mixture talaga ito ng tuwa at saya, meron at wala...kaya dapat maging matapang at matatag...sa pagharap dito. Hay ang sakit sa ulo...kaya, dito na lang ako nakakapaglibang sa blogging. Isipin mong araw araw ay ma-stress ka sa pagaasikaso ng mga grown ups. Para sa akin kasi hanggang sa lumalaki sila ay dapat nakaalalay ka sa mga anak upang mai-veer mo sila sa tama. If not doon papasok ang problema na nakukuha sa pakikipagbarkada...natututo sa pagsubok sa drugs at early pregnancy. Ang dami pa at di mauubos ang paksa tungkol dito sa pagiging nanay. Pero kung tatanungin ako, enjoy ako sa ginagawa ko although physically and mentally draining talaga ito. Pero pag andyan na yung love ay saya naman ang kapalit lalo't lumalaking close kayo ng mga anak mo. Well...

Saturday, January 10, 2009

She deserves all the accolades...


Kaninang tanghali, sa Wowowee ay tinupad ni Willie ang pangako niya sa kabataang naging contestant kahapon...marahil ay natuwa si Willie sa kakayahan ng mga kabataang ito sa pag-awit. At ayun na...isa isa itong lumalabas habang umaawit. Maganda ang areglo nito kahit unang sabak pa lang nila sa harap ng camera. Sa may kalagitnaan ay lumabas na si Charice Pempengco. Tinupad niya ang pangako nito via phone patch ng imbitahin ito ni Willie. Napaka down to earth na bata kahit siya ay umaani na ng papuri sa ibang bansa. Napakagaling niya talagang bumirit...at di matatawaran...pero pansin ko lang talaga, ay bakit di siya nabigyan ng standing ovation kanina...nalungkot naman ako doon...wala yata akong nakitang tumayo upang saluduhan ang kakaibang kakayahan ng batang ito gayung kinikilala ito nina Celine Dion, Bocceli, Groban, and of course sina Oprah at Degeneres na nagpakita ng paghanga sa batang ito. Malaking bagay ang nagawa ng guesting appearance niya sa show ni Oprah at Degeneres, at ang pinakabago nga ay isa siya sa aawit sa inauguration ni Obama sa January 20. Swerteng bata at maswerte rin ang nanay niya. More to come your way! Hurrah!

**Maganda na sana ang mood ni Willie dahil sa katuwaan nito na napaunlakan niya ang dream ng mga batang makasama si Charice sa pag-awit at ayun medyo nainis daw si Willie sa isang guest na di kilala...dahil medyo yata "nabatukan" ito. Hindi ko man nakita...kung totoo ito eh di maganda nga naman unang una eh host ito ng show at kahit kanino man ito gawin eh napaka-pangit tingnan. Nkaka-bad trip ika nga. Naku kung sa Japan siya andon, ok lang yun. Dahil wala lang sa kanila yun. Pero dito sa atin, ke batok or tapik or hampas sa ulo...naku...ewan ko sa 'yo. Sayang nga eh, di ko nakita.