Wednesday, December 10, 2008

Coup de grĂ¢ce?!

Nakakahabag naman ang nangyari sa mag-amang namatay sa isang shoot out sa Paranaque kamakailan. Bukod sa namatayan ito ng asawa na nag-iwan ng isang anak...eto naman ang sinapit niya, at kasama pa niya ang anak na unang tinamaan ng bala. Isipin mong gusto niyang iligtas ang anak upang madala niya man lang sa isang pagamutan pero nasawi rin siya. Nakakuha at hawak ng isang witness na isang dati yatang vm...ang 80 basyo ng bala ng armalite na nakuha niya sa pinangyarihan ng shoot out...at kwento pa nito'y kalaro lang niya sa tong-its ito bago napatay. Hay...di ba napakalungkot naman ng kaganapang ito sa mga kamag-anak niya at kaibigan lalo na't nalalapit na ang kapaskuhan?
Looking back, gaya ito ng nangyari sa kapatid ni Jun Lozada na nawalan din ng kapatid ng mapagkamalan din ang kapatid nito sa Bacalia kidnapping...nang itip off ang isang blue car...na nagkataong dumaan ito sa vicinity lulan ang ilang kasamahan nito at isang bata...not sure kung anak niya ito. Swerte at nabuhay ang bata samantalang sa morge na nakita ni JL ang kapatid nito. Mistaken identity or whatever, nasa korte naman ang pasya nito.

PS/ Ano ba ang magandang nangyayari sa bansa natin? Kamakailan umuwi ang anak ko na malungkot dahil mismong ang kaibigan niyang si Micco ay nawalan ng cp habang naglalakad pag-aabang ng jeep pauwi sa may Sta. Lu...ganun ba kadali yung buksan mo yung bag ng may bag at nakawin ang pwedeng pagkaperahan? Nakaw nga lang ito...pero dun din sa pagpatay mauuwi ang mga lokong ito when time comes. Kasi napakadali nga naman ng pera...para sa kanila...hindi pa sila hirap kesa nga naman magbanat ng buto...eh paghahanap nga lang trabaho eh magagastusan ka pa bago ka matanggap eh. Sa snatching pa-easy easy lang sila. Hay naku pano ba naman tayo aasenso nito? Eh kung sa gobyerno nga ganito din ang nangyayari eh. Sana gaya sa US magkaroon din tayo ng change...me pag-asa pa naman...antayin natin.

Monday, December 8, 2008

Gone too soon...


A sudden shift of emotion...na habang halos maglundagan sa sobrang tuwa at pagdiriwang sa tinamong tagumpay ni Manny Pacquiao kahapon, ay bigla naman nagflash report na isinugod sa ospital si "Boknoy" pagkatapos makita itong wala ng buhay sa kanyang bahay sa Antipolo. Hindi ako iyaking tao...pero may naramdaman akong lungkot dahil bilang isang ina...napakasakit ng mawalan ng isang anak lalo na't sa ganung edad na bago pa lang humahabi ng kanyang mga pangarap sa buhay. Magkasakit nga lang mga anak ko eh taranta na ako kung paano sila gagaling. I feel for Marky's mom who is right now in agonizing pain. Naiyak ako talaga. We noticed this young man when he showed his dancing prowess noon sa Starstruck. At talaga naman makikita mo yung kabaitan niya deep inside.

Let's all say a silent prayer for Marky...

Friday, December 5, 2008

"I'm trained for Kingkong"


Whoah! Ewan ko kung totoo ngang sinabi ito ni de la Hoya. Naku ang daming nagalit na mga maka-Pacquiao...at isa na ako don...pinoy eh. Naku lagot siya...pagnagkataon, lalong sisiklab ang kamao ni Pacman kasi di naman siya kamukha ni Kingkong ha. Sa yaman ni Pacman kahit mukha niya pwedeng ipagaya ni Manny kaso mo nga mas malamang matulog siya sa suntok ni Pacman. Si Manny na lang yata magpapasigla ng Pinoy at yun eh malapit na...sa Linggo na po yon. Titigil na naman ang orasan natin...puro nakatutok na lang sa laban ni Manny!Buti pa si Manny sobrang pinaghihirapan ang kanyang milyones...yung iba naman eh, isang pirma lang at isang tawag...presto na. Yung kay Manny talagang mula sa dugo't pawis niya. Yun ang pagkakaiba niya!

Sunday, November 23, 2008

Kay agang pasko sa Nobyembre!


Wow naman, tama nga narinig ko sa isang sports commentator over DZBB. Na namahagi si Pacman ng 500 turkey sa mga kababayan nating pinoy sa Silverlake, sa LA. Ito po yung town na kung saan ay maraming pinoy na naninirahan. Ang galing naman. Ang turkey ay siyang nakaugaliang ihain tuwing Thanksgiving Day. Katumbas ito ng 4 na manok sa laki nito. And mind you puro po ang laman ng turkey. Minsang namamasyal kami sa Universal Studio Japan noong nakaraang pasko (2007), nakakita ako ng mga may dalang drumstick at pinapapak nila habang nasa pamamasyal, nakipila po kami dahil natakam ako sa kanila at ng makabili na kami eh...isang kagat lang at itinago ko na siya. Grabe nakakabusog talaga sa laki. Takaw mata ika nga. Akala ko hita ng manok...hita pala yun ng turkey. At napakasarap naman talaga.
Iba na talaga ang level ng buhay ni Pacman ngayon...certified mayaman na talaga siya. At mahiya ang iba diyan dahil lahat ng yaman ni Pacman ay nagdadaan sa dugo at pawis niya. Kung saan bugbog na umaatikabo ang inaabot niya...pinaghirapan talaga. Ika nga when it rains, it falls para sa kanya. Walang habas ang kanyang pagyaman. At sa magandang paraan di gaya ng ibang kung saan saan kinukuha.
Di maitatangging umuukit si Pacman ng sarili niyang lugar sa history ng Pilipinas. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging ganap na mahusay na boksingero...isang Pinoy ang umaagaw ng pansin sa pandaigdig na larangan ng boksing. Tagisan ng tibay ng katawan at lakas ng kamao sa ibabaw ng ring ika nga.
Dasal ng lahat ng Pinoy, na manalo ulit si Pacman laban kay de la Hoya. Sana nga!

See this video!

Friday, November 21, 2008

Bawal magkasakit!



Ang hirap pag ang nanay sa bahay ang may sakit. Sad ang mga bata...or even anyone for that matter. Mahirap talaga pag maysakit. Really we can say that health is wealth. Halos 3 araw na akong idler...flat lang sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko...ang hapdi ng mga mata na halos di ko na maimulat. Talagang tatayo at tatayo ka kahit hilo hilo ka pa. Ayokong ma-sidelined ng ganun ganun lang. Gusto ko laging may ginagawa. Kaya eto, medyo nakaramdam lang ako ng konting ginhawa eh, naupo agad ako dito upang mag-update pero tila sumosobra na naman ako...kaya kailangan ko na naman tigilan ito or else bumalik ang pananakit ng ulo ko. Still woozy pa naman ako eto napapasarap na naman magblog. Kaya after this eh mukhang magsa-sign off na muna ako.

Sunday, November 16, 2008

Disembarkation procedure


Napakingggan ko ang hearing ng Senado sa paggisa kay Director de la Paz...at cool na cool naman si Sen. Loren Logarda sa pagtatanong kung alam niya ang tungkol sa departure and arrival procedure. At sa pangalawang tanong ay humirit ito ng "I want to invoke my privilege to self-incrimination."
Eh kahit naman sinong ordinaryong mamamayan na nakaalis na ng bansa ay alam na may ibinibigay sa bawa't pasahero na disembarkation card kung saan ay dapat mong ideklara ang perang daladala mo lalo na't lalagpas ito ng $10,000. Hindi kaya nila naisip na sa laki ng perang dala nila ay makukwestyon sila talaga? Nakakaloka di ba? May nabanggit pang mamahaling relo na worth 45,000 euro...na 3M sa pera natin...aba eh isang magandang bahay na ito ah?! Naku kung bagoong nga ipakisuyo sa akin eh ayoko noh? Bawal nga pero may nakakalusot pa rin. Saka sa ngayon napakahirap ng makisuyo ng padala, or pabili, mamaya ito pa dahilan ng pagka-hold ko eh mahirap na.
Sana maging aral ito sa mga nasa posisyon kasi kahihiyan ang kapalit nito. Yung bang alam mong may authority ka tapos masasalang ka sa kahihiyan. Kaya sana maging maingat sila o manindigan sila sa kanilang sinumpaang tungkulin para di nila abutin ang ganoong kahihiyan.
Pero di pa naman sila napapatunayang guilty dahil tumatakbo pa ang hearing...kaya let's give them the benefit of the doubt.