Myspace Happy New Year Graphics
Wednesday, December 31, 2008
Wednesday, December 10, 2008
Coup de grâce?!
Nakakahabag naman ang nangyari sa mag-amang namatay sa isang shoot out sa Paranaque kamakailan. Bukod sa namatayan ito ng asawa na nag-iwan ng isang anak...eto naman ang sinapit niya, at kasama pa niya ang anak na unang tinamaan ng bala. Isipin mong gusto niyang iligtas ang anak upang madala niya man lang sa isang pagamutan pero nasawi rin siya. Nakakuha at hawak ng isang witness na isang dati yatang vm...ang 80 basyo ng bala ng armalite na nakuha niya sa pinangyarihan ng shoot out...at kwento pa nito'y kalaro lang niya sa tong-its ito bago napatay. Hay...di ba napakalungkot naman ng kaganapang ito sa mga kamag-anak niya at kaibigan lalo na't nalalapit na ang kapaskuhan?
Looking back, gaya ito ng nangyari sa kapatid ni Jun Lozada na nawalan din ng kapatid ng mapagkamalan din ang kapatid nito sa Bacalia kidnapping...nang itip off ang isang blue car...na nagkataong dumaan ito sa vicinity lulan ang ilang kasamahan nito at isang bata...not sure kung anak niya ito. Swerte at nabuhay ang bata samantalang sa morge na nakita ni JL ang kapatid nito. Mistaken identity or whatever, nasa korte naman ang pasya nito.
PS/ Ano ba ang magandang nangyayari sa bansa natin? Kamakailan umuwi ang anak ko na malungkot dahil mismong ang kaibigan niyang si Micco ay nawalan ng cp habang naglalakad pag-aabang ng jeep pauwi sa may Sta. Lu...ganun ba kadali yung buksan mo yung bag ng may bag at nakawin ang pwedeng pagkaperahan? Nakaw nga lang ito...pero dun din sa pagpatay mauuwi ang mga lokong ito when time comes. Kasi napakadali nga naman ng pera...para sa kanila...hindi pa sila hirap kesa nga naman magbanat ng buto...eh paghahanap nga lang trabaho eh magagastusan ka pa bago ka matanggap eh. Sa snatching pa-easy easy lang sila. Hay naku pano ba naman tayo aasenso nito? Eh kung sa gobyerno nga ganito din ang nangyayari eh. Sana gaya sa US magkaroon din tayo ng change...me pag-asa pa naman...antayin natin.

Labels:
difficulty,
life,
Paranaque shoot out,
politics
Monday, December 8, 2008
Gone too soon...
A sudden shift of emotion...na habang halos maglundagan sa sobrang tuwa at pagdiriwang sa tinamong tagumpay ni Manny Pacquiao kahapon, ay bigla naman nagflash report na isinugod sa ospital si "Boknoy" pagkatapos makita itong wala ng buhay sa kanyang bahay sa Antipolo. Hindi ako iyaking tao...pero may naramdaman akong lungkot dahil bilang isang ina...napakasakit ng mawalan ng isang anak lalo na't sa ganung edad na bago pa lang humahabi ng kanyang mga pangarap sa buhay. Magkasakit nga lang mga anak ko eh taranta na ako kung paano sila gagaling. I feel for Marky's mom who is right now in agonizing pain. Naiyak ako talaga. We noticed this young man when he showed his dancing prowess noon sa Starstruck. At talaga naman makikita mo yung kabaitan niya deep inside.
Let's all say a silent prayer for Marky...
Friday, December 5, 2008
"I'm trained for Kingkong"
Whoah! Ewan ko kung totoo ngang sinabi ito ni de la Hoya. Naku ang daming nagalit na mga maka-Pacquiao...at isa na ako don...pinoy eh. Naku lagot siya...pagnagkataon, lalong sisiklab ang kamao ni Pacman kasi di naman siya kamukha ni Kingkong ha. Sa yaman ni Pacman kahit mukha niya pwedeng ipagaya ni Manny kaso mo nga mas malamang matulog siya sa suntok ni Pacman. Si Manny na lang yata magpapasigla ng Pinoy at yun eh malapit na...sa Linggo na po yon. Titigil na naman ang orasan natin...puro nakatutok na lang sa laban ni Manny!Buti pa si Manny sobrang pinaghihirapan ang kanyang milyones...yung iba naman eh, isang pirma lang at isang tawag...presto na. Yung kay Manny talagang mula sa dugo't pawis niya. Yun ang pagkakaiba niya!
Labels:
Kingkong,
Manny Pacquiao,
Oscar de la Hoya
Sunday, November 23, 2008
Kay agang pasko sa Nobyembre!
Wow naman, tama nga narinig ko sa isang sports commentator over DZBB. Na namahagi si Pacman ng 500 turkey sa mga kababayan nating pinoy sa Silverlake, sa LA. Ito po yung town na kung saan ay maraming pinoy na naninirahan. Ang galing naman. Ang turkey ay siyang nakaugaliang ihain tuwing Thanksgiving Day. Katumbas ito ng 4 na manok sa laki nito. And mind you puro po ang laman ng turkey. Minsang namamasyal kami sa Universal Studio Japan noong nakaraang pasko (2007), nakakita ako ng mga may dalang drumstick at pinapapak nila habang nasa pamamasyal, nakipila po kami dahil natakam ako sa kanila at ng makabili na kami eh...isang kagat lang at itinago ko na siya. Grabe nakakabusog talaga sa laki. Takaw mata ika nga. Akala ko hita ng manok...hita pala yun ng turkey. At napakasarap naman talaga.
Iba na talaga ang level ng buhay ni Pacman ngayon...certified mayaman na talaga siya. At mahiya ang iba diyan dahil lahat ng yaman ni Pacman ay nagdadaan sa dugo at pawis niya. Kung saan bugbog na umaatikabo ang inaabot niya...pinaghirapan talaga. Ika nga when it rains, it falls para sa kanya. Walang habas ang kanyang pagyaman. At sa magandang paraan di gaya ng ibang kung saan saan kinukuha.
Di maitatangging umuukit si Pacman ng sarili niyang lugar sa history ng Pilipinas. Hindi matatawaran ang kanyang pagiging ganap na mahusay na boksingero...isang Pinoy ang umaagaw ng pansin sa pandaigdig na larangan ng boksing. Tagisan ng tibay ng katawan at lakas ng kamao sa ibabaw ng ring ika nga.
Dasal ng lahat ng Pinoy, na manalo ulit si Pacman laban kay de la Hoya. Sana nga!
See this video!
Friday, November 21, 2008
Bawal magkasakit!
Ang hirap pag ang nanay sa bahay ang may sakit. Sad ang mga bata...or even anyone for that matter. Mahirap talaga pag maysakit. Really we can say that health is wealth. Halos 3 araw na akong idler...flat lang sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko...ang hapdi ng mga mata na halos di ko na maimulat. Talagang tatayo at tatayo ka kahit hilo hilo ka pa. Ayokong ma-sidelined ng ganun ganun lang. Gusto ko laging may ginagawa. Kaya eto, medyo nakaramdam lang ako ng konting ginhawa eh, naupo agad ako dito upang mag-update pero tila sumosobra na naman ako...kaya kailangan ko na naman tigilan ito or else bumalik ang pananakit ng ulo ko. Still woozy pa naman ako eto napapasarap na naman magblog. Kaya after this eh mukhang magsa-sign off na muna ako.
Sunday, November 16, 2008
Disembarkation procedure
Napakingggan ko ang hearing ng Senado sa paggisa kay Director de la Paz...at cool na cool naman si Sen. Loren Logarda sa pagtatanong kung alam niya ang tungkol sa departure and arrival procedure. At sa pangalawang tanong ay humirit ito ng "I want to invoke my privilege to self-incrimination."
Eh kahit naman sinong ordinaryong mamamayan na nakaalis na ng bansa ay alam na may ibinibigay sa bawa't pasahero na disembarkation card kung saan ay dapat mong ideklara ang perang daladala mo lalo na't lalagpas ito ng $10,000. Hindi kaya nila naisip na sa laki ng perang dala nila ay makukwestyon sila talaga? Nakakaloka di ba? May nabanggit pang mamahaling relo na worth 45,000 euro...na 3M sa pera natin...aba eh isang magandang bahay na ito ah?! Naku kung bagoong nga ipakisuyo sa akin eh ayoko noh? Bawal nga pero may nakakalusot pa rin. Saka sa ngayon napakahirap ng makisuyo ng padala, or pabili, mamaya ito pa dahilan ng pagka-hold ko eh mahirap na.
Sana maging aral ito sa mga nasa posisyon kasi kahihiyan ang kapalit nito. Yung bang alam mong may authority ka tapos masasalang ka sa kahihiyan. Kaya sana maging maingat sila o manindigan sila sa kanilang sinumpaang tungkulin para di nila abutin ang ganoong kahihiyan.
Pero di pa naman sila napapatunayang guilty dahil tumatakbo pa ang hearing...kaya let's give them the benefit of the doubt.
Thursday, November 13, 2008
Masaganang ani sana...
Nakakalula ang mga halagang involved sa mga scams ng ating mga sangkot na opisyales ng gobyerno. With Bolante now, 728 milyon ang di maunawaan at di pa rin mapiga kung sino sinong proponents ang sangkot except sa tatlong pinangalanan. Akalain ba nating napalobo itong dapat ay 28M lang na naging super taas na 728M. At nakakaloka rin na bilang facilitator ng pondo ay wala siyang masabi kung kani-kanino ito napunta, under oath yan ha. At maniniwala ba tayong di niya alam ang may kinalaman upang maibigay sa kanya ang post niya bilang Usec ng DA. Kakaiba di ba? Kahit isang ordinaryong mamamayan, di kayang tanggapin at paniwalaan ang mga sinasabi nito. Nalalagay tuloy siya sa isang nakakatawang sitwasyon sa paggisa ng Senate Blue Ribbon gaya ni Sen. Jinggoy, Sen. Defensor...at iba pa. Lumabas sa paggisa ni Sen. Defensor na mahigit kumulang na 182M ang napunta sa bulsa ni Bolante bilang kaparte nito sa nasabing agri-funds. Lumabas pang hindi naman pala ito ukol para sa rice and corn kundi pataba ng mga ornamentral plants gaya ng orchids. Na bukod sa overpricing ay hinaluan pa ito ng tubig. Grabe ha...lumaki ako at namulat sa pagpapatanim ng aking ama sa kanilang bukirin noon. At nakita ko kung paano isinasabog ang pataba sa bukid na halos di pa ito namumunga. Eh ng irelease daw yung fertilizer ay anihan na. At ang nakakapagtaka nga rin na ng maisiwalat na nirelease itong pondong ito ng gabi bago ang 2004 election. Hay naku...abangan ang pagkanta niya. Unang araw pa lang yan...malamang bumigay din si Bolante sa susunod pang gisahan.
PS/ Kaya naman pala wala kaming mabiling bigas na mura na ay maganda pa di gaya dati na kung bumili ako ay isa o dalawang kaban, na nagkakahalaga lang ng P1000-P1200. Ngayon nagtitiis na lang tayo sa mga pakilo kilong tingi o ang pagpila sa NFA.
Isipin na lang natin ang naging kabahagi ng mga senior citizen na wala ng kakayahan na maghanap buhay. Nabigyan ito galing sa parte ng VAT sa halagang P500 bawa't matanda pero hindi ang may pension sa GSIS at SSS. Limang daan lang hindi pa nabigyan yung iba, samantalang di maipaliwanag ang nawawalang 728 na milyones. Napakalayo ng agwat di ba?

Wednesday, November 12, 2008
It's no Joc!
Lumabas si Jocjoc sa St. Luke's Hospital eksaktong 7:08 ng umaga upang daluhan ang preliminary investigation ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa Fertilizer Fund Scam Scandal. Dumating siya ng 7:45 sa Senado, upang mabigyan ng kaukulang check up bago tumawid ng Session Hall upang humarap sa senado. Si Bolante ay matatandaang tinanggihan ng bansang Amerika sa hain nitong asylum. Bagkus ay inaresto siya doon noong dumating siya taong 2006 at nakulong halos ng 2 taon sa Kenosha Rehabilitation Center in Wisconsin. Wala siyang nagawa kungdi ang umuwi ng bansa upang sapilitang sagutin ang nawawalang 728 milyones na nakatalaga sana para sa fertilizer fund ng magsasaka. Nasaan na at sino ang mga nakinabang dito. Yan ang katanungan ngayon. Wow ang laking halaga non ha. Mapapansing napakalaki ng ipinayat niya at itinanda ng dumating siya. Halatang sumailalim siya sa matinding suliranin at halos namuti na lahat ang buhok niya compared noong siya pa ang ating dating Usec. Jocelyn Bolante. Tutukan po natin ang kasong ito at tiyak na sasambulat na naman ang mga pangunahing pangalan na maisasangkot dito.
Tuesday, November 4, 2008
Another keel over incident
May lumubog na naman, ang MB Don Dexter. Hay naku naman, hindi ba ito naiiwasan?
Wednesday, October 29, 2008
Joke...joke...and others
Natawa ako kay Arnold Clavio...tinanong niya kay Sen. Jinggoy kung naniniwala siyang ang sakit ni Jocjoc Bolante ay 140 over acting? Tawa lang ang itinugon ni Sen. Jinggoy. Mukhang nanghihina nga si JB ng dumating ito, hawak pa ang dibdib na idinerecho sa ospital upang manatili ito doon ng dalawang araw. Talagang sasakit pati ulo niya dahil marami siyang dapat ipaliwanag hinggil sa fertilizer scam na yun. Paano naman tayo uusad niyan kung ganyang milyon milyon ang ibinubulsa ng taong gobyerno? Eto naman at ung 728M na nasabat sa Moscow...naku, kaya ako walang tiwalang uunlad pa ang bansang ito. Eh mula't sapol eh puro na lang ganito nangyayari. Wala ng laman ang kaban natin...nasa bulsa na ng mga kinauukulan. Nakakatulog pa kaya sila? Sarap naman ng buhay nila samantalang hirap na hirap ang mga kababayan nilang naghihikahos. May kilala nga akong halos lahat silang mag-anak ay kumandidato na eh. Kasi ginagawa nilang hanap-buhay ang pulitika. Pagnakaharap sa taong bayan akala mo ay matino pero pag kami na magkausap ay hihimatayin ka sa baho ng bibig nito sa pagmumura at paggamit ng maruming lenggwahe. Siya ang kusang lumapit sa akin, at hindi ako...syempre namumulitika...ang di niya alam hindi ko sasayangin ang boto ko para sa kanila. Akala niya kasi isa rin akong tanga gaya ng inaakala niya...excuse me...never kong ibinoto isa man sa kanila.
Thursday, October 23, 2008
Aaay...
Si Patani, ang Survivor na napatalsik ng i-vote out siya ng 2 grupong naglalaban para sa isang survival challenge, ay isa ng regular na makikita sa Unang Hirit sa umaga via Prinsesa ng Palengke...at talaga namang making waves dahil sa baluktot niyang tagalog. Makikita na rin siya sa EB...
My hair looks ...pabu-lows...even under the sun!
My hair looks ...pabu-lows...even under the sun!
Friday, October 10, 2008
Ano ba yan?!
Hay naku, ano ba yan? Hindi pa nga natatapos ang melamine issue ng China, eto na naman at may cadmium issue na naman silang dapat panagutan dahil positibo ngang naeksamin ang ilang de latang angkat galing sa kanila. Ano kayang nararamdaman ng mga matataas na pinuno ng kanilang bansang nalalagay sa ganitong mabigat na kahihiyan. Ang cadmium ay isang uri ng metal na maituturing carcinogen o nabibilang sa toxic materials na nagiging dahilan upang magkaroon ng kanser ang isang tao.
Ano naman kaya ang stand ng mga malalaking importers na namuhunan ng milyon milyon para sa mga produktong nasabi? Paano sila makakabawi dito? Ngayon na dinispatsa lahat ng mga may katungkulan ang mga nasabing produkto na lumabas na positibo sa mga nakakalasong kemikal? Malamang problemado sila sa biglaang pagkalugi dahil dito.
Ang nakakatuwa ay ang biglaang pagiging aktibo ng DOH at ang mga taga-suri nito. Ano naman ang masasabi ng BFAD?
Parang kung lilimiin natin ay tila lagi na lang tayong nasa balag ng alanganin. Pati ba naman ang mga pagkain ay maisipang lagyan ng mga lasong kemikal? Ano ang pananagutan na kailangan nilang harapin dahil dito? Sapat na ba ang paghingi ng kaukulang dispensa o public apology? Di ba dapat ay iharap sila sa korte upang panagutan ang karampatang parusa?Meron bang commitee na nagsasampa ng kaso laban sa kanila?

Monday, October 6, 2008
Nyeeek!!!...
Ay ate ang ganda ng dog mo...sweet-choo yan di ba?
--------
Wowowee
Willy: Ano pangalan mo?
Contestant: Ana po papey! Ana po! (sigaw ng babae sa mike habang patalon talon sa tuwa)
Willy: Ano trabaho mo, Ana?
Contestant: COOKER po papey! (Drumbeats)
--------
Eat Bulaga
Daiana: Use curtain and kitchen in a sentence
Michael V: I will put nice curtain in my kitchen
Daiana: I got better answer, here
Aray, wag mo akong curtain dyan, masa-kitchen
Waaaakaka!

Thursday, October 2, 2008
Si Mishah talaga!
Matagal-tagal na ring wala akong kwento kay Mishah. Talagang sutil at sweet si Mishah. Alam nyo bang kada makakasingit ng paglabas si Mishah sa may garden ay may hinahanap siya lage? Then bigla na lang kaming magkakagulo..."mama si Mishah nagbubula ang bibig!"...huh? Bakit?...nadala pa sa doctor, yun pala hinuhuli ang isang maliit na palaka. Siguro nakagat niya yun eh may lason yun di ba? Yung bullfrog? Basta mga 5 times ng ngyayari yun. Kaya bawal talaga siyang lumabas except may bantay siya. Hay naku laging nagkakagulo sa kanya.
Oh di ba ang sweet niya? Habang abala ako sa pagbblog ko, inaantay niya ako. Kahit antok na antok yan, pag tumayo ako tatayo din siya. Soulmate ko yan eh.
I love you dawgy!
Oh di ba ang sweet niya? Habang abala ako sa pagbblog ko, inaantay niya ako. Kahit antok na antok yan, pag tumayo ako tatayo din siya. Soulmate ko yan eh.
I love you dawgy!
Rebolt...
May kwento ulit ako. Nasa mall ako noon. Tumitingin ako ng safety box. Wala lang...biglang may lumapit sa aking ale...sabi niya, "maganda ba yang ganyang rebolt?"
Ngumiti na lang po ako...kasi di naman ako mahilig mag-correct ng mali.
VAULT po ibig niyang sabihin.
Ngumiti na lang po ako...kasi di naman ako mahilig mag-correct ng mali.
VAULT po ibig niyang sabihin.
Nawala ang momentum...
Kanina may hearing kami...sa mababang korte syempre, sa barangay. So nakahanda ang lahat. As usual...tightlipped at tahimik lang ako...pero sa totoo lang madaldal ako pag gusto ko kausap ko. And when I am writing walang tigil, kaya alam ko tahimik na madaldal ako. Basta tahimik mode lang ako lagi sa labas. Tinawag na kami sa loob. Pinagsalita ang bawa't panig. Naku ang plastik nong isa. Napakagalang kuno. Eh kaya nga pinaopen ko ulit ung kaso kasi di na nga tumupad sa usapan...nagtatalak pa at minura pa ang tao ko. Eh kasama yung bakla kasi, kaya napahiya sa akin ayun tinalakan yung tao. In return sila ang nag-kainitan. Eh napipikon na ako sa kakahingi ng patawad sa akin yung taong sinasabe ko. Hmmmpf! Suddenly, nagkagulo sa labas. Ako habang tinatanong ng lupon di ako maka-concentrate...eh kasi naman pala, dumating sina Roldan Aquino at Roi Vinzon. Eh kilala ko yun bilang mga magagaling na character actor noong panahon ni Fernando Poe Jr. Hay naku pasulyap sulyap ako sa labas ng sabihin nong taong kaharap ko na..."ma'm pakinggan nyo naman po ako...makikiusap po ako sa inyo na blah...blah...blah...ma'm..."
Eh ako na natawa sa sarili ko. Kasi magagalit sana ako, napalitan ng ngiti dahil nga sa dumating mga artista. Ang ganda pa rin ng physique ni Roi Vinzon ah. Bakit kaya parang wala na syang pelikula? At si Roldan...hmmm...sir lumalaki ata ang beer belly mo...konting dyeta po mahirap na. Isa ring di matatawaran ang galing ni Roldan Aquino di ba? Ang mundo ng pelikula talaga walang kasiguruhan...seasonal...pag sikat ka wag mong isiping di ka na maluluma. Maraming kakumpitensya kaya ngayon sikat ka bukas maaring hindi na.
PS/Kainis lang at wala akong dalang CP...wala tuloy photo opp.

Tuesday, September 16, 2008
It's been a long time...
Yup...been so long since I got here in my multiply so I did repolish everything...will soon be back to upload some new photos here...just revoked some old invitations and promise to get back again and be frequent here...
Saturday, March 29, 2008
Grabe ang init!!!
Noong nasa Japan ako lagi kong iniisip na nasa Pinas ako at kapiling ng ibang minamahal ko. Pero eto ako ngayon at tila di makahinga sa tindi ng init ng panahon at tila baga wala kang mararamdamang hangin na hahaplos sa iyong mga pisngi at balat. Hay grabeng init dito, kung anong lamig ang tinitiis ko sa Japan kabaligtaran naman dito, grabeng init. Dusa talaga. Ito ang unti unti natin nararanasan na sanhi ng global warming. Dahil ito sa mga binubugang carbon monoxide na nagsisilbing lason sa ating tahanan...ang earth. Mamayang gabi ay ipakikita ng ilang key cities ng bahabahagi ng ating mundo...and sabayang pagpatay ng electicidad. Ito ay tatagal ng 1 oras. Maaring ito ay makapagbigay ng ehemplo para magising ang ating kamulatan sa ibayong dadanasin ng ating ozone layer na unti unting lumalaki ang sira at nagbibigay sa atin ng mga kakaibang pagbabago ng klema gaya ng pagbaha at paginit sanhi ng tinatawag nating greehouse effect. Marami itong dahilan kaya't sana mamulat tayo unti unti sa malaking problemang ito. Mula sa simpleng paggamit ng hair spray, pagbuga ng usok galing sa ating mga sasakyan, sa mga gamit sa ating tahanan na gumagamit naman ng elektrisidad, lahat ito'y nakakatulong sa pagsira unti unti ng ating kalawakan na ngkakabutas upang makapasok ng malaya ang matinding init ng haring araw.
Tuesday, February 26, 2008
Iba pa rin ang Pinas
Kahit ano pang sabihin, ika nga...there's no place like home...payak man tayong pinoy sa yaman gaya ng bansang hapon. Sa ating bayan nakakapamuhay tayo ng simple at kahit paano masaya sa piling ng ating minamahal. Dalawang gabi na yatang tahimik ang hangin dito sa aming tinitirhan. Tila ba nagsawa din ang bagsik nito na sa aking obserbasyon ay naririnig ko lang ito tuwing may malakas na bagyo. Pero dito ordinaryo lang ang ganitong lakas ng hangin na wari ba'y may kaaway na nagaalimpuyo sa galit. Sa aking napag-aralan...ito ang nagbabadya na ang spring ay parating na upang palitan ang lamig ng winter. Maganda lang tanawin ang puting yelo sa paligid pero ito pala ay parusa din sa kanila. Lalo na sa hanapbuhay. Mahirap bumangon para maligo at maghabol ng kasagsagan ng lamig. Mas masarap pa ang mamaluktot na lang at matulog ng mahimbing para makalimutan mo ang lamig ng panahon.
Thursday, February 7, 2008
Harakiri...and honesty
Dito po sa bansang Hapon, kapag nagkasala ang isang pinuno, nakakahiya. Tutungo ka sa harap ng tao na medyo may katagalan sa pagyuko ng pagbibigay galang. Ito ay pag-amin sa paratang sa iyo. At talagang kakaibang kahihiyan ang aabutin mo dahil 1 linggong pinauulit ulit ang pagrereport sa naturang balita. Di ba kahihiyan yon? Marami din ditong nahuhuling krimen pero hindi gaya sa atin na masyadong rampant o madalas. Kahit na maliit na convenience store lagi silang may surveillance camera. Talagang hanggat mapapairal ang honesty, ginagawa nila. Gaya ng minsang maisipan naming magjogging sa may tabing dam...habangakay ko ang aking bisikleta, may nadaanan akong nalaglag na wallet. Hay naku kahit iilan kami don at malayo ang aming kasunod...hindi namin ito dinampot. Dahil ang katwiran nila, babalikan yon ng may-ari. Di ba kahanga-hanga? Sana ganyan din sa Pinas. Nakakalungkot ang aking naranasan ng minsan na nag-grocery kami ng anak ko sa Ever. Kinaugalian ko na angilagay ang wallet ko sa loob ng pushcart. Natigil kami sa may fresh produce. Habang namimili ako ng aking bibilhin, bigla kong narinig ang tunog na di kakaiba sa aking tenga. Mahilig kasi ako sa mga keychains. Alam ninyo kung bakit ako napasigaw? Hehehe. Ang wallet ko po ay inipit ng isang magandang dalaga sa kanyang kili-kili, (again...sorry po) na feeling niya'y kanya. Bigla ko syang hinarap, at sinabing...akin 'yan ah, bakit mo kinuha? At mabilis kong inagaw. Sa kabiglaanan ko di ko siya nahabol at naisumbong sa Customer Service. Eh palagay ko kahit mas malaki ako sa kanya eh tiyak na manlalaban yon. At naku ha, parang wala lang...mahinahon at d kabilisan ang kanyang paglayo ngunit madali siyang nawala sa paningin namin. Parang palos. Maganda pa naman at di mukhang mang-aagaw. Hay buhay Pinoy. Kailan kaya tayo mababago?
Sa paggagala naman namin mga pamilihan o mall dito sa Japan, kapag umuulan...kadalasan nama'y nakakakita ako ng mga payong naiiwan or sadyang iniiwanan ata. Hay naku hindi mo rin pwedeng pulutin. Ay ang camera nakakalat. Mura lang naman ang payong, hehehe. Hay nanakatuwang pagmasdan. Isa lang ang alam nila. Pag hindi sa iyo wala kang karapatan na kunin iyon...tapos!

Kakaibang lamig ng winter...
Hay naku...gabi na naman. Iisa ang aking gawain tuwing nagdidilim dito. Kailangan kong magprepara ng utampo. Magpapakulo ako ng tubig sa takure upang ialagay sa utampo. Isa itong makapal na sisidlang plastik ng tubig na pinakulo upang ito ang magbigay ng init sa aming pagtulog sa gabi. Hindi kailangan gumamit ng heater sapagkat ito'y ipinayong makakasama sa kalusugan ng sinuman sa oras ng pagtulog. Kaya't utampo ang aming kasakasama sa aming higaan. Nagustuhan ko ito kaya't hindi ako pwedeng hindi mag-uwi nito sa Pinas. Dahil nakita ko na mabisang ito ang gamitin dahil maganda ito lalo na't kapag kailangan ko ng hot compress. Mainam at safe gamitin.
Mahirap pala at masarap ang winter. Sa bansang pinanggalingan ko na nagtitiis akong magbayad ng mahal sa kuryente upang malamigan lang...dito nama'y libreng libre. Masarap pero mas mainam pala ang mainit na Pinas. Hahaha! Walang kasiyahan. Kasi mahal ang mga winter coat. Kailangan mo pa ng mga damit na nakapagbibigay ng init. Di gaya sa Pinas na okey lang ang kahit ano...at mura pa.
Grabe...grabe ang lamig dito. Laging malamig ang tungki ng ilong ko dito. At mamamanid at parang tinutusok ng karayom ang aking mga daliri. Kaya't ang sagot dito ay ang magbabad ka sa napakainit na tubigng tub. Ito'y upang di ka gaanong makaramdam ng panlalamig sa gabi o sa umaga man. Naalala ko tuloy, napakaswerte ng Pilipino at dalawa lang ang pagtityagaan natin, ang tag-ulan at tag-araw. Payong, kapote at pamaypay lang, okey na tayo. Talagang maswerte pa rin ang Pinoy. Kahit medyo salat sa yaman. Pero ang totoo mayaman ang ating bansa. Isa lang ang diprensya. Kailangan natin ng mahusay na palakad sa bansa tulad ng palakad ng bansang Hapones.

Nakakabinging katahimikan...
Isang araw na tila may sariling buhay ang pangkaraniwan ng lakas ng hangin na tila ba may gustong sabihin. Una nakakatakot ang lakas ng huni nito, pero sa katagalan ay parang hindi na ito kakaiba sa aking pandinig. Bagkus ay tila ba ito musika sa aking tenga. Kaya't ito ang nagtulak sa akin na makapagsulat ng isang makabuluhang talaan sa wikang Pinoy. Sapagkat kung wala pa ito, tila ba nakakabingi ang katahimikan sa Japan. Wala kang maririnig na ingay. Walang tao kadalasan ang kalsada maliban sa manakanakang nagdadaan na halos mabilang mo ng iyong daliri. Kakaibang pamumuhay ang aking naranasan dito. Kung ang ibang tao na kilala ko na pumasyal dito ay tila hindi nagkapag-enjoy, iba ang aking ginawa. Nagmasid ako ng mga kakaiba kong nakita o nanaranasan. Kakaibang pananaw at tradisyon ang aking tinandaan upang maipagkumpara sa aking nakagisnang Pilipinas. Oo, ipinagmamalaki ko rin na ako ay Pilipino kahit hindi tayo perpekto sa ating nakagisnang bansa at pamumuhay. May iba iba tayong niyayakap na kultura at konsepto bilang isang Pilipino.
Unti-unting nawawala ang matatalinghagang salita ng ating mga ninuno gaya ng mga sumusunod*
huni-whistle
kadalasan-often
kalsada-street
manakanaka-(very)seldom
nagmasid-observe(d)
pananaw-point of view
kumpara-compare
Ito ay di pag-aaral kungdi na-inspired akong sumulat upang hindi mabura ang mga matalinghagang salita na naipamana sa atin ng ating mga matatanda, (aray ko!) Nakakatuwa minsan, marami ang nagkakamali sa pagpipilit na yakapin ang wika ni Uncle Sam (at isa na yata ako ron), samantalang may sarili naman tayong lenggwahe. Ewan ko ba kung anong meron sa wikang ingles. At pati ako ay nakumbinsing kumuha ng kursong AB English nung araw na ako ay mag-enrol ng unang taong pagsabak ko sa kolehiyo sa University of the East. Natawa ang tatay ko bakit hindi ko pinili ang gusto niya na maging komadrona ako. Naalala ko pa ang dahilan ko sa kanya. Ay naku tatay di ko po pinangarap na makakita lagi ng -------. :D Talagang gusto ko ang kursong ito. Naalala ko tuloy ang terror kong titser sa Rizal High School kung saan ako nag-aral. Si Mrs. Fe Pusta, ang paborito kong titser sa English at noong ako'y nasa mababang paaralan ng San Isidro, gustong gusto ko rin ang katarayan ng English teacher ko na si Mrs. Ibanez. Nasaan na kaya sila. Hindi ako nabilang sa cream of the crop pero hindi naman ako napapahuli noon sa klase. Naalala ko, bagot na bagot ako pag oras na ng Pilipino subject namin. Kakainis magbasa ng napakahabang talata ng Noli me Tangere at El Fili. Nakakapagsisi. Iyon pala ang ating kayamanang dapat ay pinahalagahan ko. Bakit ako napunta sa ganitong tema? Ito ay dahil sa nakita kong pagka-nasyonalismo ng mga hapones. Mahal nila at iniingatan ang anumang pamana ng kanilang lahi. Oo...at natunghayan ko ito...at doon ako humanga sa kanila. Kapag sinabing hapon, ito ay kahalili ng salitang giyera at mapang api. Ako bilang personal kong natunghayan ang Japan, naisip kong kaya pala malupit sila noon, dahil sa sobrang pagpapahalaga sa kanilang bansa. Pero ito ay noon. Naniniwala ako sa kanilang pagpupunyaging makatulong at maging isang bansang kaibigan ng Pilipinas. Marami akong nakilalang hapon at isa lang masasabi ko, napakamarespeto nila sa kapwa. Isa na rito ang pagtungo kada may makikita silang kakilala o bisita.
Pero isa rin ang maipagmamalaki ko bilang Pinoy. Kakaiba pa rin ang ating kababayan. Ang pagiging masikap ng kapwa ko na makipagsapalaran dito upang mabuhay ng maginhawa ang kani-kanilang pamilya. Hindi nila iniinda ang lamig at lungkot na mawalay sa mga mahal sa buhay kapalit ng marangyang buhay. Aminin na nating hirap at pagod naman ang kapalit ng pagtatrabaho natin sa Pinas. Doon kikita ka lang ng P7,000 kada buwan kung pangkaraniwang empleyado ka lang. Kahit pa sabihin mong may diploma ka. Pero dito, inoperan na ako ng P50,000 kada buwan, mababa pa raw iyon kumpara sa kita ng mga hapon. Hay nagdadalawang isip tuloy ako kung babalik pa ako dito bilang turista o tatanggapin ko na ang alok na iyon. Ito ang labis kong pinag-iisipan ngayon. Bahala na. Sa ngayon ang isip ko ay ang makapiling ko ang mga mahal ko sa buhay na nasa Pinas. Pero ang natitiyak ko babalik ako dito kung may oras panahon ulit at makakaya ng budget.

Subscribe to:
Posts (Atom)